Sulat Kay Daddy

Dear Daddy,
Alam mo kagabi napanaginipan kita. Wala ka raw sakit. At kung sa anong dahilan, ang saya-saya mo raw. Nagluto ka pa nga. Hindi ko lang maalala kung saang bahay ba tayo nandon, pero parang bahay ata natin. Bahay natin. Yung bahay na matagal nating inaasam-asam. Hindi bahay ng ibang tao. Yung sa atin talaga. Yung kusina raw natin ay bagong gawa pa nga, at ang linis-linis pa ng mga tiles. Pero parang hindi ka raw masaya don sa tiles, kaya sinimentohan mo pa raw ng panibago. Pagkatapos mong gawin yun, mukhang hindi ka pa raw napagod. Inakap mo raw ako tapos inikot-ikot – parang twirl ba, yung ginagawa natin sa mga bata. Nagulat ako kasi ang lakas-lakas mo raw, eh kahit na mas mabigat ako at mas malaki kesa sa ‘yo kaya mo raw gawin yun.

Nagulat na lang ako bigla nong mag-alarm na. Sobrang bitin ako. Ang dami ko pa naman sanang gustong sabihin sa yo. Kaya naisip ko na dito na lang isulat.Ang tagal na nating di nakapag-usap. Lagi kang nasa isip ko, alam mo. Lagi kong naaalala yung mga nakaraan. Yung mga beses na nakahiga lang tayo sa ating kama, nakatingin sa kisame, nangangarap ng araw na magbabago ang ating buhay. Paulit-ulit mong sinasabi sa akin, “Anak, ipakita natin sa kanila na hindi hadlang yung kahirapan natin para tayo ay maging matagumpay sa buhay!” Hindi ko pa talaga naintindihan gaano kung ano ang ibig sabihin mo nong sinabi mo sa akin na ako ang “pag-asa ng bayan.” Ang alam ko lang, mahirap tayo. Ano nga naman kasi ang tawag mo sa parating umuutang sa tindahan? Nahihiya na nga ako sa tuwing lumalabas at dala yung mala-kilometrong listahan natin ng mga utang. Pero kailangan eh. Kahit na isang Maggi instant noodle lang, para lang may pang-ulam. Swerte nga tayo non at may nagpapautang pa sa atin. Paminsan-minsan din ay nauulanan ng biyaya mula sa mga kamag-anak na malalambot ang puso.

Naalala ko rin yung mga pagpupuyat mo para magawa yung mga art at science assignments ko. Parang lahat ay gagawin mo para lamang hindi ako pumalya sa eskuwela. Sabi mo kasi non, don lang natin maipapakita ang ating galing. Yun lang ang tanging kayamanang maipapamana mo sa amin. Kung hindi pa natin pagbubutihan ang ating pag-aaral, lalo tayong walang mapapala. Sinunod ko yung sabi mo, talagang ginalingan ko sa pag-aaral. Pero tanong ko lang, bakit sa tuwing umaakyat ako ng entablado ay hindi ka sumasama? Lagi ka na lang nasa bahay. Hinihintay mo na lang ang pag-uwi namin ni Mommy at sabik na sabik na titingnan yung dala kong medalya. Ah, ilang beses mo na nga bang sinabi. Ayaw mo kasi akong pagtawanan at tuksuhin kasi sasabihin ng mga kaklase ko na “kuba” ang tatay ko. Ayaw mo non. Pero alam mo, kahit na nalaman din nila nong bandang huli, hindi nila ako tinukso. Ako kasi ang pinakamalaki noon sa klase namin, takot lang nila, hahaha. Pero siguro, nirespeto rin nila ako, at kung anumang kapansanan meron ka, siguro hindi na nila inisip yun. At saka, alam mo ba na bilib na bilib sila sa yo dahil sa ang gaganda ng mga art projects ko? Lagi ko pinagmamalaki, gawa yan ng tatay ko…

Sabi ng ibang tao non, “You can’t afford to send your children to school.” Sobrang naghimagsik ka non. Siguro nasaktan ang pride mo. Ikaw rin kasi mismo hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Wala ka ring trabaho, titser naman sa pampublikong mababang paaralan ang misis mo. Kapiranggot lang ang sweldo, puros bawas pa ng mga kautangan. Nakapagtataka nga namang mapaaral ang isang anak sa kolehiyo. Pinagdasal mo nang pinagdasal na sana ay makapasok ako sa unibersidad para sa mga mahihirap (daw). Mabuti na rin lang at nakapasa sa exam. Nakakuha rin ng scholarship. Nabuhayan ka ulit ng loob.

Alam ko na gusto mo sana akong maging isang artist, o ano kaya writer, tulad mo. Sigurado ako, kung naging lalaki ako, ay ginawa mo rin akong boksingero. :) Mabuti na lang hindi. Pero nong sinabi ko sa yo na Physics ang gusto kong kunin, ni hindi ka umangal. Kahit ba hindi mo naiintidihan yung pag-aaralan ko. Kahit ba na hindi ka sigurado kung may trabaho ba ako pagkatapos ng kursong ito. Hindi mo ako pinilit na kumuha ng kursong madaling pagkakakitaan. Nong natapos na ako sa kolehiyo, at nagsimula ng magturo, inakala ko na bubuti na ang buhay natin. Hindi pa pala. Kakarampot ang sweldo ko noon. Di ko alam kung ano na ang kasunod, pero alam ko na gusto ko pang mag-aral. Ang sabi ni Mommy, magtrabaho na nga raw ako sa malaking kumpanya para naman makatulong na. Pero hindi ka rin pumayag. Sabi mo non sa akin, sige anak, kung gusto mo pa kumuha ng Master’s o PhD masaya ako riyan. Ipagyayabang mo sa buong bayan ng Antique na may anak kang doctor. Nakakatawa, kasi pati yun naisip mo.

Alam ko matagal mong pinangarap na magkaroon tayo ng sariling bahay. Yun siguro ang tanda na talagang nakaahon na tayo sa buhay. Lumaon ang panahon at natupad din ang iyong pangarap. Nakapagpatayo rin tayo ng bahay! Hindi ako kumita ng limpak-limpak na salapi. Inipon ko yung pera mula sa aking scholarship at inunti-unti ang paghuhulog sa lupa at bahay natin. Nong ako’y nagkaroon na ng totoong trabaho, ayan dumaloy na ang biyaya at natapos din natin ang bahay. Nag-uumapaw ang ating kasiyahan. Hindi naman mansyon ang pinatayo nating bahay, pero atin yun. Walang ibang makakakuha sa atin non.

Pero sayang, tatlong taon mo lang natirhan yung bahay na yun. Iniwan mo naman kami agad. Ang dami ko pa naman sanang gustong iparanas sa yo. Tuwang-tuwa ako nong makarating ka sa Japan, at kahit na tatlong buwan ka lang dito non, at kahit na dalawang beses pa tayong na-ER dahil sa yong biglang pagkakasakit, sobra talaga ang kaligayahan ko. Ang pakiramdam ko, nakabawi man lang ako kahit konti sa mga paghihirap mo noon sa amin. Alam ko hindi ko talaga maibabalik lahat ng pinundar mo sa akin – lahat ng pagpapakasakit, pagtitiyaga, at saka sakripisyo. Gusto ko lang maibalik kung ano ang makakayanan ko.

Ni hindi mo man lang ako hinintay na dumating bago ka lumisan. Huling nagkita tayo, ang saya-saya nating buong pamilya dahil kasal nong kapatid ko. Pero nong sunod na tayo’y magkita, tahimik ka nang nakahiga sa loob ng kabaong. Matagal kong pinagmasdan yung mga kamay mo – yung mga kamay na palagi kong nakikitang nagtatype sa typewriter na binili ko, mga kamay na palaging nagpipintura sa canvas, mga kamay na parating naghihimas sa aking noo pag ako ay may sakit o dili kaya’y nalulungkot, mga kamay na nakatiklop sa aking tabi at nagdadasal tuwing kaarawan ko. Sobrang kulubot na ang iyong mga kamay…pero hindi nauwi sa walang kabuluhan ang mga pinaghirapan ng kamay mo. Ang tagumpay ko ay tagumpay mo rin. Ang narating ko ay narating mo rin.

Sabi nila mas magaan daw sa paglipas ng panahon. Siguro totoo, kasi minsan pakiramdam ko parang tanggap ko na wala ka na. Pero kung minsan, may mga pagkakataon, tulad nga nitong napanaginipan kita, at hindi ko mapigilang tumulo ang aking mga luha. Sobrang naninikip ang aking dibdib tuwing naiisip ko yung mga paghihirap natin non, ang mga paghihirap mo, na sana man lang ay naibsan kahit papano nitong naging maginhawa na ang ating buhay.

At sa tuwing may pagsubok akong hinaharap sa buhay, naiisip kita. Sa iyo at sa Diyos kasi ako kumukuha ng lakas. Pag naiisip kita, naiisip ko kung gaano kahirap yung mga pinagdaanan natin sa buhay – at kung kaya natin yun, kaya rin natin tong mga pagsubok na darating.

Ika mo nga parati noon: “Show ’em what you’re made of, girl!” Syempre gagawin ko yun, basta sabi mo Daddy. ***

Sphere: Related Content

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

24 Responses to Sulat Kay Daddy

  1. Gina says:

    Kathy, I read and I cried..really cried.. My hubby is wondering why, and I told him it’s a sad entry. He said, he wanted to read it,too. I told him I don’t think he will understand because it’s in Filipino. I will tell him about it later when I feel more composed =P Kakaiyak naman kasi itong entry mo. Wherever you dad maybe, I’m sure he is very proud of you.

  2. elaine says:

    Hi Kathy. I am a big fan of your blogsite. Finorward sa akin yung link ni Kay (your sister) who was my office mate in DBM noon pang ipinanganak mo si Aya. Oo, ganun na ako katagal sumusubaybay sa yo. It’s only now na I’m introducing myself to you kasi I can really relate to what you are feeling. I lost my mom last year and just like you, she is very much part of my everyday life. And just like you, napanaginipan ko rin sya once and ang sabi nya wala raw syang sakit (doctors says she might had pancreatic cancer but it they were not able to confirm it because it happened all so fast, all in 3 days).

    I believe that they are both by our side, watching us as we go with our daily lives. And they will forever be alive because in whatever we do, part of it is to give them honor and joy.

    Take care!

  3. snglguy says:

    Last Feb 18 was the second anniversary of my Dad’s passing on to the next life, up to this day I still think of the man. Not so much as what he had done for me, but rather, what I have failed to do for him… :-(

  4. hazel says:

    Kathy, naiyak ako sa entry mo! naninikip dibdib ko ah. :) sabi nga ni Gina nakakaiyak naman talaga to.

    Kahit asan man ang daddy mo ngayon, he is sooo proud of you! At kahit di nya man naranasan ang gusto mong iparanas sa kanya masaya sya dahil napatunayan mo na kahit kailan hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang pangarap sa buhay!

  5. rhodora says:

    Kathy naman.. pinaiyak mo ako… Ayan, ayaw tumigil ng luha… :(

  6. Zherwin says:

    it’s both a sad and a proud entry. it’s sad because your dad left you on almost the same time that you can give a little luxury to his life and also a proud entry because you’re living what your dad wants you to be, you’re showing the world what you’ve got, girl!

    and yeah, hindi hadlang ang pagiging mahirap para magtagumpay. :)

  7. kathy says:

    Oh Gina, I’m sorry if that entry made you cry! I really just missed my Dad so terribly, I just had to write…or burst! I really get emotional whenever I think of my late dad. He was and still is my inspiration.

    In the last days of my Dad, he kept telling me that he was “ready to go,” that he was happy to see me achieve the dreams that he had for me. My only regret was that he wasn’t around anymore to share these things with.

  8. kathy says:

    Hi Elaine! I’m happy to know that you have been visiting my blog. And now, I’m even happier that you decided to let me know and share something about yourself. :)

    I’m truly sorry to hear about your mom. It’s one of the hardest things in the world, to lose a parent. It’s a bitter reality that we children have to accept – they simply won’t be alive forever.

    But yes, let’s keep them alive in our hearts and minds. They will continue to live through us. Godspeed!

  9. kathy says:

    I’m truly sorry for your loss, snglguy. February 18 happens to be my dad’s birthday. The day remains just as sad because it is one of the days that we remember him most.

    I guess, all children have their shortcomings, too. It would be good advice to those who still have their parents to do their darndest to do things for them and spend quality time with them while they are still alive.

  10. kathy says:

    Naku napaiyak ka rin? :)

    Totoo yan – hindi hadlang ang kahirapan. Nagbubunga ang tiyaga, sipag, at paniniwala. Noong buhay pa siya sinasabi niya sa akin na basta makita niya na maayos na ang kalagayan naming magkakapatid, puede na siyang umalis. Tapos na raw ang misyon niya sa buhay. Ang misyon ko ngayon sa buhay ay mapabuti yung buhay ng pamilya ko. :)

  11. kathy says:

    Naku, sorry Tita Rhoda! Sana ok ka na. :) Cheer up…nakangiti na ako o – :) 😀 😉

  12. kathy says:

    Thanks Zherwin. I really appreciate what you wrote. :)

    I personally think that these adversities we face are the catalysts of our lives. I have always thought that if there hadn’t been any challenges to face in our lives, I wouldn’t have been forced to rise to higher heights; I wouldn’t have given a damn if I achieved anything or not.

    Pero once na malampasan mo na ang mga yun, talagang napakasarap ng feeling. Lumingon ka sa pinagdaanan mo at maiintindihan at malalasap mo ang tunay na kahulugan ng tagumpay. :)

  13. Mon says:

    awwwww Hugs

    ang ganda naman pala ng pinagmulan mo. hard work pays talaga. Feel mo mabuti, I’m sure he knows and he’s very proud. :)

  14. bw says:

    You made me remember my father who passed away almost 5 years ago at a very ripe age. My story was a little different in that I was the one struggling to convince him that I had a dream I wanted to achieve but he didn’t have much confidence in me because he never felt I was responsible enough to go college and live by myself. He was a very strict disciplinarian. The short story is I somehow got what i wanted with the help of my mom and her family and proved him wrong.I achieved my dreams and I never thought of revenge or that sort of thing because I dearly loved and respected him. We had an excellent relationship from then on. In retrospect, I would not have been what I am if not for this discipline.

    I truly admire your humility Kathy. I couldn’t possibly say anything except to wish all the best, that you will be blessed with a successful life in the future :)

  15. kathy says:

    Gee, thanks! :) I tell you, iba talaga buhay namin mga 10 or 15 years ago. Si Daddy talaga ang nagmotivate sa amin na kailangang baguhin namin ang buhay namin. Or die trying. :)

  16. kathy says:

    Wow, bw – the young rebel! :) Your story only serves to show that even if we disagree with our parent’s visions for us, we can still find our own paths in life – and be successful too. It’s inspiring how you got back together with your father even if he had been proven wrong about you. I guess, inspite of his strictness and being a disciplinarian, he only wanted what any parent would want for his kid – the best.

    Thank you for your kind words! Really, I’m so touched. You too, may you and your family be blessed with all the good things that life has to offer. :)

  17. annamanila says:

    Wow! Great Dad, great daughter, great blog. Nagsikip dibdib ko. Your dad was a painter ha. Yung kilometrong lista ng utang sa tindahan — familiar iyan sa akin. Minsan ayaw nang pautangin ano? Look at you now. And its because of your dad’s inspiration!!

  18. pining says:

    Ay naku, nakakaiyak naman talaga :-(
    Well, I’m sure you’re father is very proud of you, smiling down from heaven!

  19. kathy says:

    Yes, Dad was a painter. He left several of his “masterpieces” at home. He managed to paint at least two more even when he was ill, right up to his very last days.

    Familiar ka rin don sa lista-lista? Haha. Kung puede nga lang ipalista sa tubig.

    Thanks, Anna! I could only hope that my Dad’s story would also be an inspiration to many parents.

  20. kathy says:

    Thanks pining! :)
    Perhaps Daddy is also very proud that many people here think that he did a fine job. Thanks talaga.

  21. joven says:

    waaaah! naalala ko tuloy ang tatay ko! hu hu hu!, ganyan halos ang panghihinayang ko noong mawala sya sa amin na hindi man lang nakatikim ng ginhawa. :(

  22. karen says:

    dami ng umiyak ah, pati rin ako…ayan, tuloy.
    latest memory ko was dad in agonizing pain, kaya mahirap talaga makalimutan.
    Sana iba naman sa turn ni mommy (the least thing to say) :-). Pero ganun na ata talaga ang cycle of life.
    Let’s keep a loving and caring atmosphere, I’m sure, our parents would be the proudest people on earth.
    love you sis! from your 2nd wicked sistah

  23. kathy says:

    Ganyan talaga ang buhay – minsan kasi bigla na lang silang mawawala sa buhay natin. Bawi na lang tayo sa nanay at mga kapatid natin. :)

    Salamat sa pagbisita, Joven.

  24. Noel says:

    I’m sure that your Daddy is proud of having a daughter like you.

    Well written and expressed sentiment. I wish you all the best.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Connect with Facebook